30 April 2008

Project Lafftrip? Makajoin nga. . . .

1. Blog Ni Inday- ang nagtatayo ng bandera ng mga katulong naghahangad ng magandang buhay.
2. Maruism- ang kakabog sa mga dibdib ng mga sawing-palad.
3. Chuvaness- itayo mo na ang kachurvahan-chenes-eklaboo-boomboom-bautista and ervielou ekekechenes. . .
Kaya join na kayo:

25 April 2008

Lunes

Sa bawat kaluskos ng gomang tsinelas na papalapit sa aking tindahan puso'y nagaglak sapagkat

ang pangangailangan ng iba ay natutugunan ng isang tulad ko at ng aking tindahan, ako ay

nasisiyahan sapagkat ang iba ay aking natutulungan .

Sa pagsapit ng takipsilim ay unti-unti na ring dumarami ang bumibili sa aking tindahan, ingat

na ingat na tinatansiya ang mga barya at perang papel ipangbabayad ng mga ito sa akin, ngunit

ang iba naman ay walang pakialam basta lang ay magkalaman lang ang mga sikmura ng kanilang

pinapakain.

24 February 2008

Linggo

Sardinas, itlog, kape, ang laging nabibili tuwing umaga, laging pang-agahan.

Asul ang kulay ng tinta na ginamit ko sa paglilista ng aytem na nabibili sa tindahan sa aking ledger, sing kulay nito ang bughaw na kalangitan, may nangutang na at agad namang binayaran, sa pagtatapos ng araw ay sigarilyo ang huling nakatala sa ledger, Ph 435.00 naman ang kinita ng aking tindahan.

 
Creative Commons License
Ang gawang ito ay lisensyado ng Creative Commons Attribution-Noncommercial-Share Alike 3.0 Philippines License.