25 April 2008

Lunes

Sa bawat kaluskos ng gomang tsinelas na papalapit sa aking tindahan puso'y nagaglak sapagkat

ang pangangailangan ng iba ay natutugunan ng isang tulad ko at ng aking tindahan, ako ay

nasisiyahan sapagkat ang iba ay aking natutulungan .

Sa pagsapit ng takipsilim ay unti-unti na ring dumarami ang bumibili sa aking tindahan, ingat

na ingat na tinatansiya ang mga barya at perang papel ipangbabayad ng mga ito sa akin, ngunit

ang iba naman ay walang pakialam basta lang ay magkalaman lang ang mga sikmura ng kanilang

pinapakain.

24 February 2008

Linggo

Sardinas, itlog, kape, ang laging nabibili tuwing umaga, laging pang-agahan.

Asul ang kulay ng tinta na ginamit ko sa paglilista ng aytem na nabibili sa tindahan sa aking ledger, sing kulay nito ang bughaw na kalangitan, may nangutang na at agad namang binayaran, sa pagtatapos ng araw ay sigarilyo ang huling nakatala sa ledger, Ph 435.00 naman ang kinita ng aking tindahan.

23 February 2008

Sabado

Isang linggo na ang aking tindahan ko at marami na rin ang nangyari. Mga 11:16 ng i punch sa counter itong aking pinamili.

6 na powder na sabon
12 na sachet ng shampoo
4 na bareta ng sabon
36 na pakete ng 3 in 1 na kape
1 bag ng biskwit
3 tigtatatlong kaha ng iba't-ibang brand ng sigarilyo atbp.

lahat ay nagkakahalaga ng Php 867.40

sa pagtatapos ng araw na ito ay kumita ng Php 444.oo ang tindahan.

22 February 2008

Ang Istadistika Kong Nalikha sa Loob ng Isang Linggo


X- Kita Ko Sa Isang Araw
Y- Mga Araw Isang Linggo

Biyernes

Sardinas ang ngayon ay binili ng aking kustomer, sa asul at bughaw na kalangitan konti lang ang mga ulap na nahahayag at nakikita ko mula sa aking kinauupuan, piso dalawang piso lang ang nakatala sa yaong talaan kong naglalaan ng mga kita ko mula noong nakaraang Sabado at bukas mag iisang linggo na ang tindahan ko. Puro Php 1.00 at Php 2.00 lang ang nakatala na kung susumahin umabot din naman sa Php. 100. 00. Sa kabuuan ng isang araw kumita ito ng Php. 621.50

21 February 2008

Huwebes

"Pancit Canton daw" , anang customer

Dali dali kong inabot ang dalawang kailangan nito, kasama naman nito ang paghingi ng apat na itlog ng magandang dilag, at dalawang itlog na hinihingi ng isang binata.

Ang kabataan nga naman agad-agad na naniniwala sa Love at first sight.

Hindi maalis ng binata at dalaga ang tinginan nito sa isa't-isa. Hindi nila maalis sa isa't-isa

Ng. . ..

Aling Bina: Mawalang galang na Inday at Dodong, kayo ba ay magbabayad na?Binibini ang apat na itlog ay nagkakahalaga ng Php 22.00 at Ginoo, ang dalawang itlog na iyan na hawak mo ay nagkakahalaga lang ng Php 11. 00,

ang pagpuputol ko sa kanilang matamis na pagkikita.

"Ito po yung Php 11.00", anang lalaki sabay abot labing-isang piso. Ng maiabot na ng dalawa ang kani-kanilang bayad ay naghiwalay na din sila ng landas.

Sa araw na ito, ay kumita ng Php 501.00 ang tindahan

20 February 2008

Miyerkules

Sa pagsikat at pagdampi, sa pagawit at paghuni, aking unti-unting minumulat aking mga mata hanggang nalaman ko na lang na nakaalis na aking mga anak papuntang eskwela, sigarilyo ang sunod-sunod na binili ng aking mga kostumer hinahanap nila ang paglasap at paglanghap ng nikotina sa mga kani-kanilang ilong , paringha, at baga kasabay nito ay ang tawag ng kanilang sikmurang namumutawi sa gutom, kaya kasabay din nila ang pagbili ng pagpamatid gutom, ang kape.

19 February 2008

Martes

Martes, bumili ako ng karagdagang sigarilyo, siyam lahat ng kaha at dalawag supot ng mabiling chicherya at isang supot ng chicheryang binibili ng mga bata kapag ubos na ang chicherya na unang nabanggit ko. Daing ang unang binili, sumunod na bumili ay isang babae na may dalang bata, bumili ion g sabong pampaligo at siyampo. Tanghali na at dali-dali kog inubos ang kinain ko upang pagsilbihan ang aking mga mamimili.

18 February 2008

Lunes

Lunes, nagising ako ng maaga upang ipagluto ng agahan ag aking mga anak, nilagang ilog at hotdog ang inihanda ko para sa kanila. Dali-daling inubos ng aking anak sapagkat mahuhuli na ito sa pagpasok sa eskwela. Pang agahan yaong binili ng mga customer ko, itlog at corned beef.

Pawang mga bata ag bumibili sa aking indahan, mga batang inuuosan ng mga magulang. Sa paglalim ng gabi at sa pagsasara ko ng tindahan. Php. 404.00 lang naman ang aking kinita.

17 February 2008

Linggo

Linggo ngayon at dinadagan ko aking paninda ng ilog at mga alak ang aking paninda, dinagdagan ko na rin ng mga sigarilyo at mga pampalasa tulad ng asin. Sigarilyo ang ipinambungad ng bumibili sa aking tindahan, may sumunod pa dito at ito rin ay sigarilyo na umabot ng Php. 39.00 ang halaga. Ang isang kolum ng ledger ay umabot sa Php. 191.00 ang halagang nakalistang nabili na mga aytem. Sa ibabaw ng mga mga kolum ng mga pahina ng mga ledger ay nilagyan ko ng mga presyo upang hindi ako malito. Nilagyan ko muna ng baryang nagkakahalaga ng Php. 45.00 ang arinola para kinabukasan ay hindi na ako mahirapang magsukli. Sa pagsasara ng aking tindahan ay umabot sa Php. 521.00 lang aking kita.

16 February 2008

Ika -16 ng Pebrero taong 2008


Gumising ako ako ng maaga na may kaba, dumampi sa akin ang malamig na hangin, ang haring araw na unti-unti sumisikat ay bumati sa akin ng walang pagkukunwari, na nais iparating ang pagbati ng magandang araw sa akin. Anim na pakete ng kapeng 3 in 1 na nagkakahalaga ng Php30.00 ang unang binili ng aking customer. Ang unang araw na ito ay nagpakita ng matumal na benta sa katapusan ng araw ay Php. 227.00 lang ang aking kinita.

15 February 2008

I-tag Ninyo ako




Free chat widget @ ShoutMix

Sa unang Araw

Sa unang araw ay naghanda ako ng ledger, ito ang paglalagyan ko ng lahat ng pumapasok at lumalabas na pera sa indahan. Isang plastic na arinola kulay berde ioto, dito ko ilalagay lahat ng barya, ang mga tigbebente at tigiisang daan ay inihihiwalay ko sa barya at inilalagay sa sisidlan na noon ng mga tsokolaeng galing Korea. Bumili ako ng siyamnapung de lata, kasama a dito ang mga corned beef, pork and beans, dalawang lata ng gatas at ang karamihan dio ay mga lata ng sardinas. Ang lahat ng pinamili ko ay nagkakahalaga ng humigi’t kumulang na PHP 4460.40.

14 February 2008

Paunang Salita

Sa pagpili, sa paganong ng alin diyan, o ito? Nagsimula akong magtanong alin kaya doon?, ako nga ba ay sadyang anga, o natatakot lang pagsabihan ng iba, hindi ko man lang naisip kung bakit ko alam ang mga bagay na hindi alam ng mga tao basta ang alam ko ay natuto lang akong makibahagi ng mga saloobin na nais kong ibahag sa pamamagian nito.

Ang mga letra at salitang nabasa niyo ay sinimulan lag sa pagkuha ng walang paalam g isang kuwaderno na pagmamay-ari ng isang kolektor at lapis na ang pangalan ay Leone. Bura bura a bura lang ang lagi kong nagagawa sa kapag ang lapis at papel ay aking pinagtagpo sapagkat di ko mapagtanto kung ano ang isusulat ko. Gusto kong simulan ang kuwento ko ng isang pamagat.

Si Kit at ag bahay niyang singlaki ng Posporo, naisip kong gawing isang mapagkunwaring sosyal ang bidang ito, gunit di ko alam kung papaano ko bubuhayin ang karakter na ito sa simple lang bang pagsagot ng mga tanong ng mga bumibili sa paninda ko, Oo nga pala hindi ko pa naipapakilala ang sarili ko sa inyo ako nga pala si Aling Vina at kayo ay narito sa blog ng tindahan ko.

Ilang buwan ko lang sinimulan ang tindahang ito na nais kong ib ahagi sa inyo kong paano kong minaniobra ang tindahang nagpabago ng buhay ko.

 
Creative Commons License
Ang gawang ito ay lisensyado ng Creative Commons Attribution-Noncommercial-Share Alike 3.0 Philippines License.